2:16 PM Thursday, March 5, 2009
Today We Bopped to the Top!
Ngayon ang araw na inaasahan. I mean hindi inaasahan. Supposedly sa Friday pa kami magba-bopbop. Tapos kahapon nagdeclare si Ma'am Ofel na hindi muna papalabas ang pauper at sasabay-sabayin ngayon.

Tama! Nagising ako ng 3:45. Tapos wala pang gising. Nakaalarm ang telepono ko ng four kaya natulog muna ako. Nag-alarm na ang telepono at nasa kusina na si Mama. Ready to fight na!

Kagabi pa lang nagayos na ako ng gamit. Naglinis ng keyboard, nag-ayos ng lapel (na gawa sa alambre at pinagmukhang makatotohanan gamit ang foam ng totoong microphone) at nag-ayos ng costume. Nung umaga, kinalas ko na ang keyboard at stand. Ready na 'ko. Wala naman akong masakyan. At sa totoo lang naaawa ako sa sarili ko dahil ang dami kong dala. May backpack na malaki, malaking plastik ng damit at ang super laking keyboard na kasing tangkad ko at kalahati ng timbang ko. Tapos nakatag pa ako ng C.O.. Aaaaww.

Pagdating ko sa school, naalala kong may nakalimutan akong dalhin. Punks nga eh. 'yung turnilyo ng stand ng keyboard. Umuwi ako, may budget kami. Twenty pesos. Tapos akala ni Iyan pati 'yung lapel nawala. Akala ko din. Maalala ko nandun na sa mga costumes ko. Pumasok na ulit ako at sobrang wala akong masakyan. Pagdating ko nagpapaexam pa si Chiquito..(kilala niyo na). Sobrang humabol ako. At nangopya daw ako. Sarap bangasin.

Group one na. Hindi ko napanood ng maayos. Pero ang ikli nung kanila. Kasi nagkukulot ako nun. Tapos hindi pa ko tapos magayos kami na daw! Punks! Narinig ko na lang 'yung intro namin na High School Musiiiiiiiiiiiical!! Tapos nagmemake up pa! Eeew. Sabi ni Barbra, gumanda ka. Salamat. Ahahahaha. Ang ganda mo, lagi ka kasi magaayos. Ang ganda mo ngayon! Tama. Ngayon lang? Ahahaha. Si Aljonh malandi panay ang tawag sakin ng pokpok. Insecurity. Pero sa totoo lang ang ikli kasi ng shorts and super exposed the legs naman. Mawawala na nga daw ang crispiness sabi ni Keith. Pero okay lang naman itsura ko, hindi naman sobrang landi tignan, 'yung simpleng ako pa rin na nagpolbo at nagsuklay, at nakashorts na maikli. Kaya lang ako tinatawag na ganun ni Aljonh eh dahil suot ko ang jacket ng crush niya na si Algin! Bwahahahaha. Sleeveless kasi ang damit ko kaya ginamit ko. Sasabunutan pa nga ako ni Aljonh eh.

Super for a change 'yun kasi lagi akong nakajersey. Lahat ng shorts ko BELOW the knee. Tapos suot ko ngayon ay above the knee. Kaya nakakahiya.

Start na kami. Very good!! Maganda pero nagkakagulo ang kurtina dahil halataing hindi nagsisipagpractice. Bwahahahaha. Nasira ang pagc.c.o. dahil sa practice at sa ani ng sining. Haaay!! Parang nagquit lang ako!

Balik sa topic. Super pumalakpak si Ma'am sa performance namin sa What I've been Looking for. Pero mas sumikat si Leonard sa audition niya! Dapat live 'yun pero mali yung nailagay nila sa player kaya kailangan niyang sabayan 'yung boses ni Cedrick. Binuksan na lang namin 'yung mic at super tinilian siya. Pero pinalabas siya ni Darbusya. GO SEE A COUNCELOR.

At nung pinanood namin 'yung video ng performance namin. Napansin naming nagpapiano pala si Resyel!! Ahahahaha. Pero pede na din.

Tapos 'yun, super conversations na. Magaling daw umakting si Avriel at maganda daw ang boses niya. Sabagay totoo naman. Super girl ang boses niya. At super may sipon ang boses ko. Ahahahaha.

Stick to the Status. Something's not right. Pak! Nalaglag ang lapel ni Iyan! Ahahahaha.

Tapos 'yung mga susunod na scene super haggard na! Baliktad 'yung damit ko sa bop bop! Nasa likod ang nasa harap at nasa harap ang nasa likod. Gets?? Pero super maganda pa rin at pumalakpak ulit si Ma'am!! I love it! Pero walang video footage dahil malikot ang camera. Ahahaha. Hindi kita ang kahihiyan na baliktad ang damit ko. Bwahahahaha. 'pag dating namin sa part na tatayo kami sa upuan, nawalan kami ng props man . Kaya si Iyan ang humila ng upuan.
Tapos nung tumayo kami sa upuan muntik na siyang mahulog kaya umakbay pa siya sakin. Pero tinulak ko pa din siya pababa! Bwahahaha. Close curtains.

Pagdating sa breaking free, nakitaan din si Avriel ng black na cycling shorts. Pagikot niya ng bonggang bongga tumaas ang palda niya. At sa dulo ay bumanat kami ng kiss!!. Ang balak namin eh aaktong magkikiss sila tapos isasara yung kurtina. Pero sobrang lapit na eh ayaw pang isara 'yung kurtina. Kaya nakita na tinulak palayo ni Avriel si Cedrick. Wapak! Natawa si Ma'am. Naging comedy ang romance!

Sa We're All in this Together sobrang si Leonard lang talaga ang tinitignan nila. Pero paglabas ni Iyan na super energetic, tumulo ang laway at nahulog ang baba nila. Sobrang sayaw at parang kiti kiti si Iyan na sa sobrang energetic niya ay nakalimutan niya kong sunduin. Tapos sa second chorus ay may slamman. Sa video kitang kita na tumalbog si Cedrick nung binunggo ni Iyan! At natapos nang maluwalhati ang play. Tumalon kami ng sobrang bongga! At natuwa sila sa amin.

Pagkatapos ay super pictorial kami nila Jrel. At kumuha ako ng pang primary pero mukhang hindi papasa sa MTRCB. Hahaha. Kaya isasubmit ko na lang sa kanya.

At nagklase si Ma'am Sanji. Sipag talaga. Ahahahaha. Pagkatapos ng klase ni Ma'am eh nagplay na sila Ella para sa pauper. Pero sabotage!! Unti unting umalis ang tao. Kinuha nila ang music nila at dubbing galing sa movie mismo kaya hindi maintindihan. Nainip ang tao at umalis. Hanggang dumating sa point na pinacut na ni Ma'am Ofel 'yung play nila at tinuloy sa last scene. Can I Have this Dance. Sariling eksena kami sa likod kasi walang buhay ang sayaw sa harap. Pero ang cute nung bubble maker!! I super love it!! Kaso lasang JOY. Hahahahaha.

Pag-uwi namin nakakainis dahil. . . marami pa rin akong dala!! At sa lahat nang tumulong sa'kin 'yung dalawang pirasong bakal ang dinala nila. Ako na lang. Hahahahaha.

Ang keyboard ko ay nagamit namin pero ang stand ay inassemble para kela Ella. Na hindi naman nila ginamit. Na super nakakainis dahil mahirap iassemble at tanggalin. Na wala naman akong masisisi dahil hindi naman nila alam na ikacut ang play nila.

At ang sexy ko daw. xD :]


reload, numbskulls, reload.


bio tag link misc


the idiot says: hey yah!

♦read and criticize all you want.
♦if you don't feel like reading, feel free to leave.
♦do tag!!!
♦please view this layout in chrome. it doesn't look right in internet explorer, sorry.