|
5:07 PM
Tuesday, March 3, 2009 Warning III Duhat!!
DISCLAIMER!!Basahin ng mabuti! LAHAT NG NAKASULAT SA BLOG NA ITO AY HANGO SA AKING OPINYON AT MGA PERSONAL NA KARANASAN. MERON DING MGA HAKA HAKA O HULA LAMANG!! Ito ang dapat maging pinakacontroversial at pinakanakakainis na issue sa buhay natin bilang juniors. Isang buwan na lang at bakasyon na. Nang biglang may lumabas na warning. Warning sa lahat ng nasa section Duhat!! B1 and B2 is around!! Malamang kilala niyo si B1 at si B2. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tama! Ang super notorious na saging na nagsasalita. At ngayon ay nasa duhat na.. Nung una, ang meaning ng B1 at B2 ay bakla one at bakla two. Kung hindi ako nagkakamali, si bakla one ay si Aljonh at si bakla two ay si Ariel. Hindi ko sure okey? Pero ngayon, si B1 at si B2 ay ang dalawang punkista na hindi naghihiwalay, na lately ay napagbibintangan para sa nawala at nawawalang items sa room. Last year, December, streetdance competition. Super busy kami sa practice. Lahat ng bag ng dancers ay nasa STAGE, magkakasama at walang nagbabantay. Confident naman kasi kami na walang mawawala dahil may tiwala kami sa isa't isa. Pero nawalan ako ng wallet. The next day, nawalan ng cellphone si Rosebelle. And the rest is history. After nung competition, nagkahiwalay na kaming lahat. So nawala na ang mga nawawalan ng gamit. Akala namin ang attacker ay isang streetdancer. Pero nagkareunion. Para sa ani ng sining. Simula noon, nagbalik na naman ang malikot ang kamay. Nawalan (ulit!) ng cellphone si Rosebelle. Si Resyel din. Pero natapos na ang ani ng sining, umatake pa din ang mahiwagang kamay. Nawalan ng super kinita si NegoShanty aka Mica sa mga parenta niya sa pocketbook. At marami pang nawalan ng pera at kung anu-ano pa. At ngayong araw ay mukhang nasinop din ang usb ni Iyan na ang laman ay puro files ng mommy niya. Napagbibintangan si B1 at si B2 dahil hindi ko alam kung bakit. Kasi parang may nakakita daw sa kanila. Parang lang. Ngayon, kung kilala niyo sila, umiwas na lang kayo. Dati pa man, umiiwas na talaga kami ni Iyan sa kanila. Kasi talagang nagbago ang ugali nila. Nakakatakot na silang lapitan. Kilala mo ba sila? Ako kilala ko... Mag-ingat na lang! |
|