|
10:04 PM
Sunday, February 22, 2009 Recording na!
Location: Bahay namin. Sa rooftop. Naks maganda ang ambience kasi may puno. Saka gusto nila ang effect ng hangin sa kanilang mga hair. Text mode, lagpas na daw sila kela Rosebelle, nagabang ako sa labas. Sumilip pa si Iyan sa jeep, hindi ako nakita. Sumigaw pa ako. Hahahaha. Wala na naman ang mag-ama, vip ever. Tatlo tuloy ang ginamitan ng boses ni Iyan. Maayos naman. Pero may scene na magkasunod ang lines nya. Lunch break. Sinigang na baboy. Nakatatlong balik si *toot* at no comment naman kung ilang balik si Cedrick. Nahulog ang serving spoon sa loob ng lalagyan ng ulam pero wapakels si Iyan. Walang imposible sa taong gutom. Pagbalik ni Iyan sa pwesto, may lumabas daw na hangin sa shorts niya. Pero hangin lang daw yun. At pinagtanggol sya ni Cedrick, "mahangin naman dito eh, wala na yun." After nun pahinga kami. Bike mode. Nagbike kami ni Iyan gamit ang Japanese bike na violet. Nakaangkas ako. Masarap ang feeling. Pero pagewang gewang kami. Pagdating namin sa pataas na part, naflat ang gulong. Pero bike pa din. Wala talagang patawad. Sa pababang part todo hangin effect, bagsak ng dahon sabay kantang "Dinggin mo, ang tibok ng puso.." haha. Package na eh. Pero pagdating sa main road naglakad na kami. Pagbalik namin back to business na. May sumpa. Haha. Merong members na kelangang magpaulit ulit sa isang line. Pagkatapos nya, nasa kasunod naman ang sumpa. Nasa kalagitnaan kami ng dumating ang group ni Denise. Kasama si Rosebelle. At alam ko, kung nasan si Rosebelle, nandun si Aldrin. Ayon tama ako. Syempre badtrip mode. Pero natapos kami. Nagulat ako kay Jrel. Tinanong si Iyan. "Iyan gusto mo ba ng bayabas? Ihaharvest kita." Naks harvest. Pero binigyan na sya ni Mayla ng isang plastik na bayabas. Hahaha. Sana nagenjoy sya dun. In speaking of the pasalubong binigyan niya ako ng salamin..na walang grado. Bukas practice ulit. Nakaapat na post ako dahil sa kahihintay na matapos ang scan ng email. Pero iuusb na lang, matulog na. Take note. May nabuong batas kahapon. BAWAL MAGLOLIPAP. |
|