6:21 PM Monday, February 23, 2009
Performance Day (BUKAS)
Super haggard ako. Hahahaha. As in super. Dahil super sabay sabay ang gawain.

Kung hindi kayo nagbabasa ng blog ko, magbasa kayo, haha. Kung nagbabasa kayo, malalaman niyong may stage play ako. Mahirap 'yun. Hindi kasi ako available 'pag weekdays. Minsan hindi ako pinapayagang magpractice 'pag weekends. Malas. Ito lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako pwede 'pag weekdays.

C.O.L.T.

Gusto ko talagang maging officer. Pero mukhang imposible. One week na kasi akong hindi nagtetraining dahil sa iba pang ginagawa ko. Nakakahiya nga kasi WAS Commander pa ang aspire ko. Tapos 1/5 ng training wala ako. Kaya siguro sa bigayan ng ranggo hindi ako aasa na nasa WAS staff ako.

Performance sa SM
Naman. Artista na daw ba ako? Hahahaha. Pero dahil lang kasali ako sa streetdance kaya nasabak ako dyan. Mahirap din. Kasi biglaan. Mga two days before ng sayaw saka sa'min sinabi. Na March 24 daw. Malaman na lang namin na sa February 24 na! Naku naman. Unang piece na sinayaw namin ay 'yung sa streetdance namin na isinasabay sa tugtog na Pinoy Ako ng Orange and Lemons na alumni ng school namin. Pero hindi namin makaya ng hindi naglalakad. Palpak. Plan B. Naglabas ng cd ng remix si Joy. Pero sila lang ni Jaja ang may alam. Medyo nakuha namin ng bahagya. Pero super discrimination sa mga lalaki kasi puro kembot 'yung sayaw. Plan C. Tribal style. Remix naman ni Kenrick. Sila lang ulit ni Jaja ang may alam. Merong part na favorite namin ni Chacha. Kasi pang ati atihan 'yung tugtog pero streetdance 'yung step. Meron namang step na favorite ni Jayson kasi 'yun lang ang naituro sa amin. Haha. Mahirap. Lunukin ang pride. Pinatext na sa'kin si Kuya Josh. Buti na lang close kami kaya medyo natulungan niya kami. Ayun. Umayos ang buhay namin. Pero hindi siya binayaran! Anu ba naman 'yan! Kaya kawang gawa para sa mga may pinagsamahan.

Pero may nangyari sa mga dancers at kay Kuya Josh. Pilay ang D.I.. Kaya badtrip siya. Nasabihan niyang tanga at bobo si Kuya Jrel. Nagwalkout at nagquit si Kuya Jrel. Sana magkasundo sila dahil magkakared mark ang card ni Kuya. Naku naman. From 97 to red mark. Wag ganun.

Guess what nag SM sila. Hay, gusto ko din sumama pero hindi pwede dahil ayokong bumagsak ng todo ang rank ko. Satisfied na ko na top 14 ako sa top 66 ng klase. Na line of nine ang average ko. Na..na..wala na. Bawal din ako magsm. Di'ba master? Hahaha.

Doxology
Banal na. Haha. Hindi bagay! Pero super graceful ng sayaw na ito at super feel na feel dapat ang emotion at chemistry nyo ng partner nyo. Too bad kasabay ito ng Performance sa SM at wala pa kami sa kalahati. Naku naman. Ano ang kinabukasan namin? Hahahaha.

Stage play
Next week na ito! Nuod kayo. Joint force kami ni Iyan. Tapos na ang recording at dance rehearsal. Nag run through na rin ng script. May kalalabasan ang play na ito. Pero illegal. Hahaha. Actually legend dapat. Eh ano? The Legend of High School Musical! The Legend of the Golden Voice dahil si Leonard ang Troy! Tama!

Noli
Ang Noli Me Tangere ko wala pang progression. Nandun pa din ako. Matapos kaya ako? Kinakabahan ako. Naman.

March 1 nasa U.P. Diliman kami. Weeeeh. Bongga. Hahaha. Part two ng timpaLAKAN. Sabotage sa practice namin. Pero tuloy pa din! Once in a lifetime chance! Go! Hahahaha.

Sana forever nang maging active ang blog ko. Nageenjoy ako eeh. Haha..xD

reload, numbskulls, reload.


bio tag link misc


the idiot says: hey yah!

♦read and criticize all you want.
♦if you don't feel like reading, feel free to leave.
♦do tag!!!
♦please view this layout in chrome. it doesn't look right in internet explorer, sorry.