7:50 PM Thursday, February 26, 2009
This Post is for my BESTFRIEND
It's been how many months. Grabe buhay pa ako. Huwag nang paeching eching pa. Straight to the point na.

Nung umalis si Lea hindi na ko naghanap ng bestfriend. Kasi tinatamad ako (charing!). Kasi ayokong palitan siya. At isa pa, mahihirapan din ako. Alien ako. A-L-I-E-N. Ibig sabihin walang nakakaintindi sakin. May mga times na maski sarili ko hindi ko maintindihan.

Si Lea nandiyan lagi. Tumutulong. Umiintindi. Pero hindi mo maappreciate ang ginagawa sayo ng tao hanggang hindi siya tumitigil na gawin 'yun. Hindi naman siya tumigil. Pero umalis kasi siya. At hindi pwedeng pigilan. Lumipat siya ng Marilao.

Naaalala ko kasi nung second year ang lahat ng pangyayari sa'min. Friendly si Lea, saka madaling pakisamahan. If ever na tumakbo yan sa Student Government malaki ang pag-asa niya dahil maganda siya makitungo. Pero may time na nagkakaroon ng super verdict.

Dumating sa buhay namin si Mikee Trixia Agustin. Ang Miss Intrams ng MARIAN. Gusto siyang makaclose ni Lea dahil mukhang mabait naman si Mikee. Nabuo ang MIKOLE. (mikee+aiko+lea). Nasa huli talaga si Lea. Nung time na 'yun hindi siya makalapit sa'min kasi busy siya with Mikole. Hindi ko makalimutan 'yung isang araw nung second year. Umuwi akong mag-isa. Si Angelica Sena 'yun! Bumanat ng matindi "Eh tignan mu si Minerva mag-isa umuwi." Nakayuko pa akong maglakad nun. Pero nung marinig ko yun inangat ko ng bahagya 'yung ulo ko. Sabay tingin sa kabilang side ng kalsada. Nandun ang Mikole. Si Aiko at Mikee sa harap, si Lea sa likod. Napayuko na lang ulit ako. At naglakad ng mabilis. At umuwi aagad.

Alam ko maling maghusga pero sa tingin ko hindi na masaya si Lea sa Mikole. Dumating pa 'yung time na pinapili siya ni Kuya. Pero hindi pa niya kaya. Sa isip ko, "babalik din si Lea, kailangan nandito lang ako para sa kanya." Ganun ang nangyari. Bumalik si Lea. At nandoon pa rin ako para sa kaniya.

WALANG IWANAN. Lagi naming sinasabi 'yan. Nung nagbalik si Lea, lagi kaming nagkikita 'pag Sunday, naglalakad mula sa bahay nila sa Tangos papunta sa bayan para maginternet. Para makapagdaldalan ng todo habang nilalakad ang sobrang habang daan.

Pero kailangan niyang umalis. Hindi pwedeng pigilan. Kaya ayokong marinig 'yung walang iwanan.

May time na sinabi sa'kin 'yun ni Aiko, at sumama naman siya kay Rosebelle. Sinabi din ni Princess at sumama sa Mayon. Kaya nagdecide na lang akong maging mag-isa.

Kaya ayoko ng may kasama. Si Iyan lagi kong kausap, kasi alien din siya, pero hindi siya laging nandyan.

Nung mag-isa na ako, lumalapit na sakin sila Aiko. "Em, I miss you." Ahhm, miss din kita. Marami akong namimiss, pero si Lea ang kailangan ko ngayon.

Ngayon, super busy, nagonline si Lea pero hindi ako makarespond, dahil hindi ako makapaginternet. Nakahide din ang featured friend ko sa fs. Naku, nagkagulo na.
Lealyn Licon Tiñoso, hindi kita kakalimutan o papalitan o kahit ano pa mang iniisip mong negatibo.

IKAW LANG BESTFRIEND KO. FOREVER.

reload, numbskulls, reload.


bio tag link misc


the idiot says: hey yah!

♦read and criticize all you want.
♦if you don't feel like reading, feel free to leave.
♦do tag!!!
♦please view this layout in chrome. it doesn't look right in internet explorer, sorry.