|
12:30 PM
Sunday, March 8, 2009 Movie Review
"I was born under unusual circumstances." And so begins 'The Curious Case of Benjamin Button,' adapted from the 1921s story by F. Scott Fitzgerald about a man who is born in his eighties and ages backwards: a man, like any of us, who is unable to stop time. We follow his story, set in New Orleans from the end of World War I in 1918 to the 21st century, following his journey that is as unusual as any man's life can be. Directed by David Fincher and starring Brad Pitt and Cate Blanchett with Taraji P. Henson, Tilda Swinton, Jason Flemyng, Elias Koteas and Julia Ormond, Benjamin Button is a grand tale of a not-so-ordinary man and the people and places he discovers along the way, the loves he finds, the joys of life and the sadness of death, and what lasts beyond time.After kong magbasa ng blog ni Iyan, may nakita akong post tungkol sa pelikula na ito. And so the next day pinaguusapan na namin ito. I gotta watch this! Manood ka sa internet. Ayoko hindi ako makakahiga. Pero ako desidido na. Maganda kasi ang storya. Who would've thought na posible palang magexist ang isang tao na isinilang na kamukha ng lolo ko at pabata ng pabata as time goes on. At naging isang super hot na Brad Pitt pagdating sa fourties!! Ang storya? Isang matandang babae sa ospital. Kasama ang anak niya. Sa eksena halatang malapit nang kunin ang buhay ng babae. May hurricane pa. So napagdesisyunan na nung anak na magpaalam sa nanay niya dahil alam niyang hindi na rin ito tatagal. "I'm taking this moment to say goodbye, cause my friend never had the chance to say goodbye to her mother." Nakakaiyak ang eksena. At nagkwentuhan na ng nakaraan. Binasa ang diary na tinatago ng nanay niya. Kinwento ang buong buhay ni Benjamin Button. Anak ng isang lalaki na mahilig mangolekta ng butones. Syempre connected sa apelyido eeh. Her mother died giving birth to him. Sobrang nasaktan ang ama. Kaya binalak niyang itapon ang baby. Pero anak niya pa rin 'yun. KONSEEENSYA. Pagsilip niya sa baby, nakita niya ang itsura nito. Mukhang lolo. Kaya naman, iniwan niya sa . . . Home for the Aged. Nang makita siya nung namamahala sa home for the aged, kinupkop siya nito. Pinatignan sa espesyalista. Ang sabi, hindi na daw magtatagal ang buhay ni Benjamin. Pero inalagaan pa rin siya nito. Habang tumatanda siya, bumabata ang itsura niya. Nagkaroon siya ng kaibigan na seven years old. Kasing edad niya. Pero mukhang batang bata ang babae at mukha namang pitong taon na lang ang natitira kay Benjamin. Pero hindi naging hadlang 'yun sa pagkakaibigan nila. "I'll meet you halfway my age." Nung magfourty na silang dalawa, parehas na sila ng dapat maging itsura. Matured. At dun nagsimula ang love affair. Nagkaroon sila ng anak. Sa takot na baka parehas ang mangyari kay Benjamin at sa anak niya, ayaw niyang ituloy ng asawa ang pagbubuntis. Pero si Daisy, ay desididong ituloy ang pagbubuntis. Ipinanganak ng normal ang bata. Pero sa takot na baka dumating ang araw na parehas na silang aalagaan ni Daisy,(dahil nga bumabata siya) umalis si Benjamin. Makalipas ang labintatlong taon, mas lalong bumata si Benjamin. At tumanda na si Daisy at dalaga na ang anak nila. Pero nag-asawa na si Daisy. Kailangang merong kagisnang ama ang anak nila. Simula no'n, araw araw nang nagkikita ang nasa fifties na si Daisy at ang nasa thirties na si Benjamin. Pero isang araw, bigla na lang nawala si Benjamin. Pagkatapos ng ilang taon, nakatanggap siya ng phone call. Galing sa home for the aged. Nagpunta siya doon. At iniabot sa kanya ang isang diary. Diary ni Benjamin. Pagkatapos ay sinabi na sa kanya ang lahat. Nakakita siya ng isang batang nakadukdok sa piano. Sinabi ng namamahala sa home for the aged na si Benjamin 'yun. Mukhang ten years old! Pero ulyanin. Madalas nagrereklamo na meron siyang nakalimutan. Pero minsan ay nagiging tulala. At magkukwento ng nakaraan. Lumipat na sa Home for the Aged si Daisy para masubaybayan si Benjamin. Ang batang Benjamin. Minsan ay may sinabi sa kanya si Benjamin. "I feel like there's a whole life I went through that I totally forgot." Naiyak si Daisy. Pero nandun lang siya para bantayan si Benjamin. Hanggang dumating na ang araw na hindi na marunong magsalita si Benjamin. Hindi na marunong maglakad. At nang magbalik na siya sa anyo ng isang normal na baby, tumingin siya sa mata ni Daisy, na parang kilala na niya ito, at pumikit. Hindi na muling gumising. Nang matapos ang diary, lumakas ang hangin sa labas at nagkagulo sa ospital. Lumabas ang anak niya para maghanap ng nurse. Tumingin na lang sa labas si Daisy, at pumikit. END CREDITS!! Sobrang gwapo ni Brad Pitt. Maganda ang mga quotes. Hindi mo iisipin 'yun kung habang tumatagal ay bumabata ka. Nung una ay masaya siya dahil habang tumatagal ay gumaganda ang pangangatawan niya. Pero sinabi sa kaniya ng isang matanda, "If I were you I would be sad. Growing younger means seeing your loved ones die ahead of you." Tama. Bukas kwentuhan to the max! Maikwento nga kay Iyan para mainis siya. Hahahaha. :] |
|