|
1:40 PM
Thursday, March 19, 2009 CLRAA 2009
Isa pa ito sa mga naging super dahilan kung bakit hindi ako nakapagtraining for three days o four days dahil may hangover pa ko kinabukasan. Pero enjoy.SAN JOSE, Tarlac , Philippines – Tarlac Gov. Victor Areno Yap, said yesterday the province is ready to host the Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) athletic meet on March 15-21 at the P250-million Tarlac Recreational Park (TRP), considered as one of the biggest sports venues in the country. Napulot ko lang sa dyaryo yan. Hahahaha. Pero dyan kami galing. Two weeks bago ang CLRAA pinag-uusapan na kung sino ang sasama. Gagawin daw kaming cheerer. SO ang isinama ay 'yung mga kasali sa streetdance. At syempre kahit hindi ako kasali sa streetdance isasama ako dahil kailangan nila ng mga mabubunganga. Tuesday. Rehearsal. Sigawan! Enjoy kasi nakakapagingay ka sa school ng walang nagagalit. Enjoy din kasama sila bembol at lester. Pero nakakamalat. Wednesday. This is the day. Nagkita kita kami ng four. Actually nagising ako ng two at nagprepare ng one hour dahil half hour ang biyahe ko. 'yung thirty minutes tumanga lang ako. Pagdating sa school ang daming nakared. Pare parehas kami ng damit. Eew. Joke. Ahahahaha. Costume namin para sa CLRAA. Isang jumbo tshirt. May size yun, pero ang size ay nasa leeg. 'pag small ang inorder mo, maliit ang leeg, 'pag large, malaki ang leeg. Pero ang size ng t shirt ay magkakamukha. Pumasok na kami sa Ponce at naglibot. Nagtatakutan pa sila. Nagaaya pang magpunta sa Kanlaon. Pero takot naman. Dumating na ang jeep. Nagsisakay na ang mga classmate ko. Hindi naman kami sumakay sa unang jeep. Dun kami ni Ella sa pangalawa. Gusto niya kasi sa mga drummers. Kasi nandun si Lester. Na nako! Cause of delay at hindi nakasama. Super hinantay namin siya for two hours. Tumawag pa si Ella, super hoping na makakasama si Lester. Pagsagot niya, mukhang nasa bahay pa daw. Tawag lang ng tawag. Malapit na daw siya. At malapit na. At nandiyan na. At nainip ang driver. Umalis na kami. Pagdating sa SM nasa Ponce na daw siya. Huminto kami para makasunod siya. Pero useless din kasi wala 'yung instrument niyang gagamitin sa jeep. Kaya sabi ni Ma'am Torio, "ba bye". Sa biyahe, walang tigil si Ella ng kasasabi ng "si Lester kasi". Sabay emote sa bintana. At wala naman akong ginawa kundi magpataba. Kain lang ako ng kain. Tapos text ng text sa sinta ko. Tapos nasira ang telepono ko! Punks!! Ayaw gumana nung select key ng joystick. Nakakapagtext pero hindi ko naman mabasa 'yung reply. Kaya nakiinsert ako kay Ella. Pero hindi naman makatext. Kaya ginamit ko ang sim ni Denise na nakaline. Bwahahahahaha. Apat na oras ang biyahe. Maganda ang view, super bukid at bundok at infairness malamig. Pero nawawalan ng signal. Pagdating sa venue. NapaWOW kami kasi bundok siya. Na pinatag. Pero astig kaya! Sa uppermost bundok, (ahahaha) nandun ang track and field. Nandun din ang seats na may bubong na ayon kay Aldrin eh para daw barko. Sa second bundok na pinatag, nandun ang soccer field. Sa third pinatag na bundok ay nandun ang baseball. Tirik ang araw pero hindi masakit sa balat. Dahil malamig ang hangin. Masarap nga ang pakiramdam. Pero 'yun eh kung dumayo ka lang. May mission kami. Kailangan naming imotivate ang mga players ng Bulacan. B-B-U-B-U-L-A-C-A-N the power, WOOH, the mighty power, WOOH! Favorite part yung wooh! kasi pasigaw na patili. Parang roller coaster ride. Super namotivate ang mga player dahil nanalo sila! Except sa soccer ng elementary. Dahil nakahanap kami ng katapat. Nagdala ng musiko ang Pampanga at isang trio lang ang dala namin. Naiwan kasi si Lester. AT!!! nabutas ni Aldrin ang bass drum! Wala ng career. Kaya nasapawan kami. Pero pag tumutugtog sila, sisigaw kami ng, BULACAN! BULACAN! May background music pa kami. Oh diba? Pero inuuto ako ng taga Pampanga, tutugtog daw sila at sasayaw kami, para daw may pakonswelo. Eew. Ano ako? Utu uto? Talk to my lawyer. Ako ang kinaladkad kasi ako ang megaphone ng Bulacan team. Pero 'di ako pumayag. Kaya naming magcheer ng wala sila. Duh. Last naming naicheer ay volleyball ng secondary at super gwapo ni number 9! Kaya motivated din kaming magcheer. It's a game of give and take. Nanalo sila! Nung pauwi na kami, hinarang nila kami tapos nagbow silang lahat! Ayiieeh! Thank you po! Super down to earth nila. Pagkatapos ng game nagsibalik na kami sa jeep. Nagsibilihan din ng souvenirs. 'yung iba nagpatatak ng shirt. Bracelets, pins and whatsoevers. Bumili ako ng bracelets at personalized na keychain. Astig kaya 'yun. Ibinili ko si Iyan dahil alam kong hahanap 'yun. Syempre lablab ko si Iyan eh. Yayan and Shampi Ibans. Magkapatid daw kami. Oo na lang. Sa byahe pauwi, nagkawater shortage. At patay na ang mga telepono. Nainis naman ako kasi kung kelan naman umayos na ang phone ko saka naman na battery empty. Hindi tuloy ako makapagreport sa superior ko. So four hours akong hindi umiinom ng tubig. Pagdating sa bahay. Bagsak na ko. At walang boses. Wiwiwi |
|