|
9:26 PM
Sunday, February 22, 2009 School Production Minene and Iyan Style
Yes it's the time of the year! Stage play na naman. At sa pagkakataong ito ay magkagroup kami ni Iyan. First Week Sabotage Nawala ko ang script. Super nagalit si Iyan! Hahaha. Paulit ulit ang word na k*ki. Pero okey lang. Sapagkat sanay na ang madla sa word na iyon. Pero hindi dapat itake for granted ang pagkawala ng script. Nagpost kami ng posters na ganito: "NAWAWALA Nung umaga wala pang nangyayari. Pinagtanong ng todo sa mga dancers at mga trainees ng C.O.L.T. Walang progression.SCRIPT NG HIGH SCHOOL MUSICAL III-duhat" Nung tanghali napagkasunduan na namin na gagawa ako ng bagong script. Yes naman hustle! Pero sa tulong ng idol ko, nalaman na nasa Mayon ang script. Todo edit nung gabi. Saturday Location: Bahay ni Avriel, at bahay ng pinsan ni Avriel (na type ni Aljonh dahil napa OH MY GOSH sya paglabas ni pinsan sa bahay) May script na. May DVD, at may lolipap na akong milkita kay Iyan (hindi na kami LQ LOL!). May nagdaan na ding taho na may promong Buy 5 Take 1 pero walang kumagat. Pero may kulang. Si Troy! Kasama ng tatay nya, naglalaro ng Grand Chase. Sinundo namin sa hangout ng Dota Boys, ang PC Leap. Naglakad kami. On the way, may nadaanan kaming lugar na pamilyar si Iyan. Doon daw sya naholdap. Nako. Nostalgia. Pero ang masama pa nun, pagdating namin ng PC Leap, wala na sila Algin. Nasalisihan kami. Sinasabi na weh. Pagdating namin sinalubong pa kami ng matinding, "bakit ngayon lang kayo??!?". Sarap lang bangasin. Start na ng practice. Ganadong kumanta si Leonard. At si Avriel ay isang malaking wala lang. Ilang pa siguro sa isa't isa. Lunch break. May pancit. Dumating si Aldrin at Sonny Angelo. Na nakikakain at ayon sa aming reliable source ay walang naitulong sa group nila. Take note, nakaapat na plato daw ng pancit si Sonny at may pahabol pang isang mangkok. Si Aldrin naman ay isang malaking distraction dahil hiram ng hiram ng telepono kay Iyan. Matapos kumain ay umalis na si Sonny, pero si Aldrin nandun pa din. Umalis na naman ang mag-amang Algin at Leonard para umihi daw sa PC Leap. Syempre nagtanong ako, "ilang oras kayong iihi sa PC Leap?". Sumagot pa si loko, "isang oras lang." Tama. Pero dalawang oras silang wala. At napraktis na namin ni Iyan ang dalawang kanta namin. Mahirap sumayaw ala Sharpay and Ryan, todo production. Pero kinaya namin for the sake of our musical. Dumating sila. Familiarization ng script. Choreography ng Breaking Free at We're All in this Together. At uwian na. May part two pa..xD |
|