|
1:40 PM
Thursday, March 19, 2009 CLRAA 2009
Isa pa ito sa mga naging super dahilan kung bakit hindi ako nakapagtraining for three days o four days dahil may hangover pa ko kinabukasan. Pero enjoy.SAN JOSE, Tarlac , Philippines – Tarlac Gov. Victor Areno Yap, said yesterday the province is ready to host the Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) athletic meet on March 15-21 at the P250-million Tarlac Recreational Park (TRP), considered as one of the biggest sports venues in the country. Napulot ko lang sa dyaryo yan. Hahahaha. Pero dyan kami galing. Two weeks bago ang CLRAA pinag-uusapan na kung sino ang sasama. Gagawin daw kaming cheerer. SO ang isinama ay 'yung mga kasali sa streetdance. At syempre kahit hindi ako kasali sa streetdance isasama ako dahil kailangan nila ng mga mabubunganga. Tuesday. Rehearsal. Sigawan! Enjoy kasi nakakapagingay ka sa school ng walang nagagalit. Enjoy din kasama sila bembol at lester. Pero nakakamalat. Wednesday. This is the day. Nagkita kita kami ng four. Actually nagising ako ng two at nagprepare ng one hour dahil half hour ang biyahe ko. 'yung thirty minutes tumanga lang ako. Pagdating sa school ang daming nakared. Pare parehas kami ng damit. Eew. Joke. Ahahahaha. Costume namin para sa CLRAA. Isang jumbo tshirt. May size yun, pero ang size ay nasa leeg. 'pag small ang inorder mo, maliit ang leeg, 'pag large, malaki ang leeg. Pero ang size ng t shirt ay magkakamukha. Pumasok na kami sa Ponce at naglibot. Nagtatakutan pa sila. Nagaaya pang magpunta sa Kanlaon. Pero takot naman. Dumating na ang jeep. Nagsisakay na ang mga classmate ko. Hindi naman kami sumakay sa unang jeep. Dun kami ni Ella sa pangalawa. Gusto niya kasi sa mga drummers. Kasi nandun si Lester. Na nako! Cause of delay at hindi nakasama. Super hinantay namin siya for two hours. Tumawag pa si Ella, super hoping na makakasama si Lester. Pagsagot niya, mukhang nasa bahay pa daw. Tawag lang ng tawag. Malapit na daw siya. At malapit na. At nandiyan na. At nainip ang driver. Umalis na kami. Pagdating sa SM nasa Ponce na daw siya. Huminto kami para makasunod siya. Pero useless din kasi wala 'yung instrument niyang gagamitin sa jeep. Kaya sabi ni Ma'am Torio, "ba bye". Sa biyahe, walang tigil si Ella ng kasasabi ng "si Lester kasi". Sabay emote sa bintana. At wala naman akong ginawa kundi magpataba. Kain lang ako ng kain. Tapos text ng text sa sinta ko. Tapos nasira ang telepono ko! Punks!! Ayaw gumana nung select key ng joystick. Nakakapagtext pero hindi ko naman mabasa 'yung reply. Kaya nakiinsert ako kay Ella. Pero hindi naman makatext. Kaya ginamit ko ang sim ni Denise na nakaline. Bwahahahahaha. Apat na oras ang biyahe. Maganda ang view, super bukid at bundok at infairness malamig. Pero nawawalan ng signal. Pagdating sa venue. NapaWOW kami kasi bundok siya. Na pinatag. Pero astig kaya! Sa uppermost bundok, (ahahaha) nandun ang track and field. Nandun din ang seats na may bubong na ayon kay Aldrin eh para daw barko. Sa second bundok na pinatag, nandun ang soccer field. Sa third pinatag na bundok ay nandun ang baseball. Tirik ang araw pero hindi masakit sa balat. Dahil malamig ang hangin. Masarap nga ang pakiramdam. Pero 'yun eh kung dumayo ka lang. May mission kami. Kailangan naming imotivate ang mga players ng Bulacan. B-B-U-B-U-L-A-C-A-N the power, WOOH, the mighty power, WOOH! Favorite part yung wooh! kasi pasigaw na patili. Parang roller coaster ride. Super namotivate ang mga player dahil nanalo sila! Except sa soccer ng elementary. Dahil nakahanap kami ng katapat. Nagdala ng musiko ang Pampanga at isang trio lang ang dala namin. Naiwan kasi si Lester. AT!!! nabutas ni Aldrin ang bass drum! Wala ng career. Kaya nasapawan kami. Pero pag tumutugtog sila, sisigaw kami ng, BULACAN! BULACAN! May background music pa kami. Oh diba? Pero inuuto ako ng taga Pampanga, tutugtog daw sila at sasayaw kami, para daw may pakonswelo. Eew. Ano ako? Utu uto? Talk to my lawyer. Ako ang kinaladkad kasi ako ang megaphone ng Bulacan team. Pero 'di ako pumayag. Kaya naming magcheer ng wala sila. Duh. Last naming naicheer ay volleyball ng secondary at super gwapo ni number 9! Kaya motivated din kaming magcheer. It's a game of give and take. Nanalo sila! Nung pauwi na kami, hinarang nila kami tapos nagbow silang lahat! Ayiieeh! Thank you po! Super down to earth nila. Pagkatapos ng game nagsibalik na kami sa jeep. Nagsibilihan din ng souvenirs. 'yung iba nagpatatak ng shirt. Bracelets, pins and whatsoevers. Bumili ako ng bracelets at personalized na keychain. Astig kaya 'yun. Ibinili ko si Iyan dahil alam kong hahanap 'yun. Syempre lablab ko si Iyan eh. Yayan and Shampi Ibans. Magkapatid daw kami. Oo na lang. Sa byahe pauwi, nagkawater shortage. At patay na ang mga telepono. Nainis naman ako kasi kung kelan naman umayos na ang phone ko saka naman na battery empty. Hindi tuloy ako makapagreport sa superior ko. So four hours akong hindi umiinom ng tubig. Pagdating sa bahay. Bagsak na ko. At walang boses. Wiwiwi |
|
|
12:30 PM
Sunday, March 8, 2009 Movie Review
"I was born under unusual circumstances." And so begins 'The Curious Case of Benjamin Button,' adapted from the 1921s story by F. Scott Fitzgerald about a man who is born in his eighties and ages backwards: a man, like any of us, who is unable to stop time. We follow his story, set in New Orleans from the end of World War I in 1918 to the 21st century, following his journey that is as unusual as any man's life can be. Directed by David Fincher and starring Brad Pitt and Cate Blanchett with Taraji P. Henson, Tilda Swinton, Jason Flemyng, Elias Koteas and Julia Ormond, Benjamin Button is a grand tale of a not-so-ordinary man and the people and places he discovers along the way, the loves he finds, the joys of life and the sadness of death, and what lasts beyond time.After kong magbasa ng blog ni Iyan, may nakita akong post tungkol sa pelikula na ito. And so the next day pinaguusapan na namin ito. I gotta watch this! Manood ka sa internet. Ayoko hindi ako makakahiga. Pero ako desidido na. Maganda kasi ang storya. Who would've thought na posible palang magexist ang isang tao na isinilang na kamukha ng lolo ko at pabata ng pabata as time goes on. At naging isang super hot na Brad Pitt pagdating sa fourties!! Ang storya? Isang matandang babae sa ospital. Kasama ang anak niya. Sa eksena halatang malapit nang kunin ang buhay ng babae. May hurricane pa. So napagdesisyunan na nung anak na magpaalam sa nanay niya dahil alam niyang hindi na rin ito tatagal. "I'm taking this moment to say goodbye, cause my friend never had the chance to say goodbye to her mother." Nakakaiyak ang eksena. At nagkwentuhan na ng nakaraan. Binasa ang diary na tinatago ng nanay niya. Kinwento ang buong buhay ni Benjamin Button. Anak ng isang lalaki na mahilig mangolekta ng butones. Syempre connected sa apelyido eeh. Her mother died giving birth to him. Sobrang nasaktan ang ama. Kaya binalak niyang itapon ang baby. Pero anak niya pa rin 'yun. KONSEEENSYA. Pagsilip niya sa baby, nakita niya ang itsura nito. Mukhang lolo. Kaya naman, iniwan niya sa . . . Home for the Aged. Nang makita siya nung namamahala sa home for the aged, kinupkop siya nito. Pinatignan sa espesyalista. Ang sabi, hindi na daw magtatagal ang buhay ni Benjamin. Pero inalagaan pa rin siya nito. Habang tumatanda siya, bumabata ang itsura niya. Nagkaroon siya ng kaibigan na seven years old. Kasing edad niya. Pero mukhang batang bata ang babae at mukha namang pitong taon na lang ang natitira kay Benjamin. Pero hindi naging hadlang 'yun sa pagkakaibigan nila. "I'll meet you halfway my age." Nung magfourty na silang dalawa, parehas na sila ng dapat maging itsura. Matured. At dun nagsimula ang love affair. Nagkaroon sila ng anak. Sa takot na baka parehas ang mangyari kay Benjamin at sa anak niya, ayaw niyang ituloy ng asawa ang pagbubuntis. Pero si Daisy, ay desididong ituloy ang pagbubuntis. Ipinanganak ng normal ang bata. Pero sa takot na baka dumating ang araw na parehas na silang aalagaan ni Daisy,(dahil nga bumabata siya) umalis si Benjamin. Makalipas ang labintatlong taon, mas lalong bumata si Benjamin. At tumanda na si Daisy at dalaga na ang anak nila. Pero nag-asawa na si Daisy. Kailangang merong kagisnang ama ang anak nila. Simula no'n, araw araw nang nagkikita ang nasa fifties na si Daisy at ang nasa thirties na si Benjamin. Pero isang araw, bigla na lang nawala si Benjamin. Pagkatapos ng ilang taon, nakatanggap siya ng phone call. Galing sa home for the aged. Nagpunta siya doon. At iniabot sa kanya ang isang diary. Diary ni Benjamin. Pagkatapos ay sinabi na sa kanya ang lahat. Nakakita siya ng isang batang nakadukdok sa piano. Sinabi ng namamahala sa home for the aged na si Benjamin 'yun. Mukhang ten years old! Pero ulyanin. Madalas nagrereklamo na meron siyang nakalimutan. Pero minsan ay nagiging tulala. At magkukwento ng nakaraan. Lumipat na sa Home for the Aged si Daisy para masubaybayan si Benjamin. Ang batang Benjamin. Minsan ay may sinabi sa kanya si Benjamin. "I feel like there's a whole life I went through that I totally forgot." Naiyak si Daisy. Pero nandun lang siya para bantayan si Benjamin. Hanggang dumating na ang araw na hindi na marunong magsalita si Benjamin. Hindi na marunong maglakad. At nang magbalik na siya sa anyo ng isang normal na baby, tumingin siya sa mata ni Daisy, na parang kilala na niya ito, at pumikit. Hindi na muling gumising. Nang matapos ang diary, lumakas ang hangin sa labas at nagkagulo sa ospital. Lumabas ang anak niya para maghanap ng nurse. Tumingin na lang sa labas si Daisy, at pumikit. END CREDITS!! Sobrang gwapo ni Brad Pitt. Maganda ang mga quotes. Hindi mo iisipin 'yun kung habang tumatagal ay bumabata ka. Nung una ay masaya siya dahil habang tumatagal ay gumaganda ang pangangatawan niya. Pero sinabi sa kaniya ng isang matanda, "If I were you I would be sad. Growing younger means seeing your loved ones die ahead of you." Tama. Bukas kwentuhan to the max! Maikwento nga kay Iyan para mainis siya. Hahahaha. :] |
|
|
2:16 PM
Thursday, March 5, 2009 Today We Bopped to the Top!
Ngayon ang araw na inaasahan. I mean hindi inaasahan. Supposedly sa Friday pa kami magba-bopbop. Tapos kahapon nagdeclare si Ma'am Ofel na hindi muna papalabas ang pauper at sasabay-sabayin ngayon.Tama! Nagising ako ng 3:45. Tapos wala pang gising. Nakaalarm ang telepono ko ng four kaya natulog muna ako. Nag-alarm na ang telepono at nasa kusina na si Mama. Ready to fight na! Kagabi pa lang nagayos na ako ng gamit. Naglinis ng keyboard, nag-ayos ng lapel (na gawa sa alambre at pinagmukhang makatotohanan gamit ang foam ng totoong microphone) at nag-ayos ng costume. Nung umaga, kinalas ko na ang keyboard at stand. Ready na 'ko. Wala naman akong masakyan. At sa totoo lang naaawa ako sa sarili ko dahil ang dami kong dala. May backpack na malaki, malaking plastik ng damit at ang super laking keyboard na kasing tangkad ko at kalahati ng timbang ko. Tapos nakatag pa ako ng C.O.. Aaaaww. Pagdating ko sa school, naalala kong may nakalimutan akong dalhin. Punks nga eh. 'yung turnilyo ng stand ng keyboard. Umuwi ako, may budget kami. Twenty pesos. Tapos akala ni Iyan pati 'yung lapel nawala. Akala ko din. Maalala ko nandun na sa mga costumes ko. Pumasok na ulit ako at sobrang wala akong masakyan. Pagdating ko nagpapaexam pa si Chiquito..(kilala niyo na). Sobrang humabol ako. At nangopya daw ako. Sarap bangasin. Group one na. Hindi ko napanood ng maayos. Pero ang ikli nung kanila. Kasi nagkukulot ako nun. Tapos hindi pa ko tapos magayos kami na daw! Punks! Narinig ko na lang 'yung intro namin na High School Musiiiiiiiiiiiical!! Tapos nagmemake up pa! Eeew. Sabi ni Barbra, gumanda ka. Salamat. Ahahahaha. Ang ganda mo, lagi ka kasi magaayos. Ang ganda mo ngayon! Tama. Ngayon lang? Ahahaha. Si Aljonh malandi panay ang tawag sakin ng pokpok. Insecurity. Pero sa totoo lang ang ikli kasi ng shorts and super exposed the legs naman. Mawawala na nga daw ang crispiness sabi ni Keith. Pero okay lang naman itsura ko, hindi naman sobrang landi tignan, 'yung simpleng ako pa rin na nagpolbo at nagsuklay, at nakashorts na maikli. Kaya lang ako tinatawag na ganun ni Aljonh eh dahil suot ko ang jacket ng crush niya na si Algin! Bwahahahaha. Sleeveless kasi ang damit ko kaya ginamit ko. Sasabunutan pa nga ako ni Aljonh eh. Super for a change 'yun kasi lagi akong nakajersey. Lahat ng shorts ko BELOW the knee. Tapos suot ko ngayon ay above the knee. Kaya nakakahiya. Start na kami. Very good!! Maganda pero nagkakagulo ang kurtina dahil halataing hindi nagsisipagpractice. Bwahahahaha. Nasira ang pagc.c.o. dahil sa practice at sa ani ng sining. Haaay!! Parang nagquit lang ako! Balik sa topic. Super pumalakpak si Ma'am sa performance namin sa What I've been Looking for. Pero mas sumikat si Leonard sa audition niya! Dapat live 'yun pero mali yung nailagay nila sa player kaya kailangan niyang sabayan 'yung boses ni Cedrick. Binuksan na lang namin 'yung mic at super tinilian siya. Pero pinalabas siya ni Darbusya. GO SEE A COUNCELOR. At nung pinanood namin 'yung video ng performance namin. Napansin naming nagpapiano pala si Resyel!! Ahahahaha. Pero pede na din. Tapos 'yun, super conversations na. Magaling daw umakting si Avriel at maganda daw ang boses niya. Sabagay totoo naman. Super girl ang boses niya. At super may sipon ang boses ko. Ahahahaha. Stick to the Status. Something's not right. Pak! Nalaglag ang lapel ni Iyan! Ahahahaha. Tapos 'yung mga susunod na scene super haggard na! Baliktad 'yung damit ko sa bop bop! Nasa likod ang nasa harap at nasa harap ang nasa likod. Gets?? Pero super maganda pa rin at pumalakpak ulit si Ma'am!! I love it! Pero walang video footage dahil malikot ang camera. Ahahaha. Hindi kita ang kahihiyan na baliktad ang damit ko. Bwahahahaha. 'pag dating namin sa part na tatayo kami sa upuan, nawalan kami ng props man . Kaya si Iyan ang humila ng upuan. Tapos nung tumayo kami sa upuan muntik na siyang mahulog kaya umakbay pa siya sakin. Pero tinulak ko pa din siya pababa! Bwahahaha. Close curtains. Pagdating sa breaking free, nakitaan din si Avriel ng black na cycling shorts. Pagikot niya ng bonggang bongga tumaas ang palda niya. At sa dulo ay bumanat kami ng kiss!!. Ang balak namin eh aaktong magkikiss sila tapos isasara yung kurtina. Pero sobrang lapit na eh ayaw pang isara 'yung kurtina. Kaya nakita na tinulak palayo ni Avriel si Cedrick. Wapak! Natawa si Ma'am. Naging comedy ang romance! Sa We're All in this Together sobrang si Leonard lang talaga ang tinitignan nila. Pero paglabas ni Iyan na super energetic, tumulo ang laway at nahulog ang baba nila. Sobrang sayaw at parang kiti kiti si Iyan na sa sobrang energetic niya ay nakalimutan niya kong sunduin. Tapos sa second chorus ay may slamman. Sa video kitang kita na tumalbog si Cedrick nung binunggo ni Iyan! At natapos nang maluwalhati ang play. Tumalon kami ng sobrang bongga! At natuwa sila sa amin. Pagkatapos ay super pictorial kami nila Jrel. At kumuha ako ng pang primary pero mukhang hindi papasa sa MTRCB. Hahaha. Kaya isasubmit ko na lang sa kanya. At nagklase si Ma'am Sanji. Sipag talaga. Ahahahaha. Pagkatapos ng klase ni Ma'am eh nagplay na sila Ella para sa pauper. Pero sabotage!! Unti unting umalis ang tao. Kinuha nila ang music nila at dubbing galing sa movie mismo kaya hindi maintindihan. Nainip ang tao at umalis. Hanggang dumating sa point na pinacut na ni Ma'am Ofel 'yung play nila at tinuloy sa last scene. Can I Have this Dance. Sariling eksena kami sa likod kasi walang buhay ang sayaw sa harap. Pero ang cute nung bubble maker!! I super love it!! Kaso lasang JOY. Hahahahaha. Pag-uwi namin nakakainis dahil. . . marami pa rin akong dala!! At sa lahat nang tumulong sa'kin 'yung dalawang pirasong bakal ang dinala nila. Ako na lang. Hahahahaha. Ang keyboard ko ay nagamit namin pero ang stand ay inassemble para kela Ella. Na hindi naman nila ginamit. Na super nakakainis dahil mahirap iassemble at tanggalin. Na wala naman akong masisisi dahil hindi naman nila alam na ikacut ang play nila. At ang sexy ko daw. xD :] |
|
|
5:07 PM
Tuesday, March 3, 2009 Warning III Duhat!!
DISCLAIMER!!Basahin ng mabuti! LAHAT NG NAKASULAT SA BLOG NA ITO AY HANGO SA AKING OPINYON AT MGA PERSONAL NA KARANASAN. MERON DING MGA HAKA HAKA O HULA LAMANG!! Ito ang dapat maging pinakacontroversial at pinakanakakainis na issue sa buhay natin bilang juniors. Isang buwan na lang at bakasyon na. Nang biglang may lumabas na warning. Warning sa lahat ng nasa section Duhat!! B1 and B2 is around!! Malamang kilala niyo si B1 at si B2. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tama! Ang super notorious na saging na nagsasalita. At ngayon ay nasa duhat na.. Nung una, ang meaning ng B1 at B2 ay bakla one at bakla two. Kung hindi ako nagkakamali, si bakla one ay si Aljonh at si bakla two ay si Ariel. Hindi ko sure okey? Pero ngayon, si B1 at si B2 ay ang dalawang punkista na hindi naghihiwalay, na lately ay napagbibintangan para sa nawala at nawawalang items sa room. Last year, December, streetdance competition. Super busy kami sa practice. Lahat ng bag ng dancers ay nasa STAGE, magkakasama at walang nagbabantay. Confident naman kasi kami na walang mawawala dahil may tiwala kami sa isa't isa. Pero nawalan ako ng wallet. The next day, nawalan ng cellphone si Rosebelle. And the rest is history. After nung competition, nagkahiwalay na kaming lahat. So nawala na ang mga nawawalan ng gamit. Akala namin ang attacker ay isang streetdancer. Pero nagkareunion. Para sa ani ng sining. Simula noon, nagbalik na naman ang malikot ang kamay. Nawalan (ulit!) ng cellphone si Rosebelle. Si Resyel din. Pero natapos na ang ani ng sining, umatake pa din ang mahiwagang kamay. Nawalan ng super kinita si NegoShanty aka Mica sa mga parenta niya sa pocketbook. At marami pang nawalan ng pera at kung anu-ano pa. At ngayong araw ay mukhang nasinop din ang usb ni Iyan na ang laman ay puro files ng mommy niya. Napagbibintangan si B1 at si B2 dahil hindi ko alam kung bakit. Kasi parang may nakakita daw sa kanila. Parang lang. Ngayon, kung kilala niyo sila, umiwas na lang kayo. Dati pa man, umiiwas na talaga kami ni Iyan sa kanila. Kasi talagang nagbago ang ugali nila. Nakakatakot na silang lapitan. Kilala mo ba sila? Ako kilala ko... Mag-ingat na lang! |
|
|
6:45 PM
Sunday, March 1, 2009 I Know this is an Important Part
.CONTENT DELETED. |
|
|
9:10 AM
Favorite Lines in a Song
Soundtrip kasi ako ngayon. Kaya napagtripan ko na din.Puro Jonas Brothers pinatutugtog ko ngayon. Kaya dun din ako kukuha ng lines. BB Good. Sa kanta na 'to, parang naguusap lang kami ni Keith. "You gotta BB Good to me I'm gonna BB Good to you We'll be happy as can be Just gotta BB Good to me" Pag naging gudgerl ako sa kanya, gudboy naman siya sakin. At happy na ang fairytale namin. Haha. Lovebug. "I can't get your smile out of my mind I think about your eyes all the time" "I kissed her for the first time yesterday Everything I wish that it would be Suddenly I forgot how to speak Hopeless breathless baby can't you see" Kasi pag tinitignan ko picture niya ang tagal bago ko malimutan. Eh almost everyday ko pa tinitigan kaya ayun. Mukhang hindi ko na makakalimutan. Hahahaha. 'yung kiss part naman, nakupo. No comment. Hahaha. Basta favorite ko lang siya. (di'nga? haha.xD) Pushing Me Away. "If you really don't care Then say it to my face" Marami kasi sa text nagaganap eh. 'pag nawala na 'yung feelings madali lang itype sa text. Pero hindi mo masabi nang harapan kasi 'pag nakita mo siya biglang babalik 'yung pinagsamahan niyo. 'pag nasabi mo ng harapan na wala ka nang pakialam, talagang wala ka na ngang pakialam. Congratulations. Hahahaha. Sorry. "I'm Sorry For breaking all the promises that I wasn't around to keep It's on me, This time is the last time I will ever beg you to stay But you're already on your way" Pagsisisi ay laging huli. Tinagalog lang. Hahaha. May mga tao kasi na 'pag nabreak mo 'yung promise mo sa kanila, super tampo to the max. Maglalayas pa. Tapos magsosorry ka naman. Too late. Wala na siya. Nakaalis na. Lesson. 'wag kang magpromise kung wala kang intensyong gawin. A Little Bit Longer. "You don't know what you got 'Till it's gone And you don't know what it's like To feel so low And every time you smile or laugh you glow You don't even know" 'yan. Hindi mo maaappreciate ang ginagawa ng isang tao hanggang hindi siya tumitigil sa paggawa nito. Tama! Kaya kung anung meron ka, enjoyin mo, tulad ng kinakain mong ice cream. Dahil pag naubos na iyan, bigla mong mamimiss. Tulad ng kamay ng gerpren o boypren mo na hawak mo ngayon. Dahil 'pag bumitaw na siya posibleng hindi mo na mahawakan ulit. Pakahawakan mo lahat ng bagay na nagpapasaya sa iyo. Para walang sisihan. Di'ba? Sumasakit na puso ko. Hahahaha. Tigilan na. Pahinga na ako. Kung gusto mo pa ng inspiring lines, bumili ka ng album nila. A Little Bit Longer. |
|