|
5:32 PM
Saturday, February 28, 2009 Last Saturday Practice
Sa Friday na ang stage play o role play o room play. Hahaha. Pati eto may identity crisis. Hindi kasi alam kung tatawaging stage play dahil hindi naman daw sa stage gaganapin. Hindi rin matawag na room play kasi ang SAGWA! Role play mas maganda.Good news! Hindi na illegal ang play namin. Approved na siya. Musical na ang itatawag! Props na lang ang kulang at pwede na kaming sumabak. May mic na kami. Live ang gusto ng lolo mo. Hindi naman makabop bop. Joke lang peace tayo! Punks nga eh! Pero malapit nang maperfect ang sayaw. Umaga. May sakit na naman ako. Kaya kailangang dumaan kela Michael V. Hahaha. Sino siya? Abangan...Pwedeng dumating ang araw na iblog ko din siya. Hahaha. Dumating ako kela Avriel ng nine. Putlata (whattasuperterm). Malata na maputla. Nahihilo ako 'pag tatayo. Kaya walang ganang magsayaw. Tanghalian. Nagcontribute ng 15 pesos para sa lunch. Ang ulam ay...hindi ko alam ang tawag. Hahaha. Pero may gulay. Buti naman. Kailangan ko ng gulay. Tapos may bawang. Hahahaha. Pagkatapos super pahinga na naman at nirentahan ng group ni Mica si Iyan para sa audio nila. Sira ang chinepen ni Iyan. Magkakapalit kami ng gamit. Suot niya yung chinepen ko at suot ko ang chinepen ni Cedrick at suot ni Cedrick ang chinepen ni Avriel. Natatawa naman ako kay Iyan kasi bitin sa kaniya yung chinepen. Mukhang kinakarma dahil panay ang asar niya kay Sanji dahil bitin din ang chinepen ni ma'am Sanji. Hiniram niya pa pauwi 'yung chinepen ni Avriel. Hahahaha. Pumunta kaming palengke para bumili ng wireless mic. Bankrupt si Iyan kaya kailangan magwithdraw. Ayaw magwithdraw ng one thou. Gusto five hundred. Eh walang one hundred ang atm machine number one. Lumipat kami sa number two. Pumunta kami sa Muslim. Hehehehe. Four hundred fifty. Tumawad ng todo. Three hundred daw. Three thirty ang last price ni Taiwanese. Nagmamakaawa na si Iyan. Wala daw siyang pamasahe. Pero ayaw pumayag. Lumipat kami. Mas mahal sa kabila. Kaya bumalik na kami kay Taiwanese. Natawa si Taiwanese nung ibinayad na ni Iyan yung five hundred. Hahahaha. Umuwi na kami. Bitbit niya yung keyboard para kay "what key?" Sobrang daming dala. Bukas walang practice. Good luck sa amin! Ladies and Gentlemen, this is High School Musical! |
|
|
5:03 PM
Identity Crisis
.CONTENT DELETED. |
|
|
8:32 PM
Thursday, February 26, 2009 My First Aid Keith
.CONTENT DELETED. |
|
|
7:50 PM
This Post is for my BESTFRIEND
It's been how many months. Grabe buhay pa ako. Huwag nang paeching eching pa. Straight to the point na.Nung umalis si Lea hindi na ko naghanap ng bestfriend. Kasi tinatamad ako (charing!). Kasi ayokong palitan siya. At isa pa, mahihirapan din ako. Alien ako. A-L-I-E-N. Ibig sabihin walang nakakaintindi sakin. May mga times na maski sarili ko hindi ko maintindihan. Si Lea nandiyan lagi. Tumutulong. Umiintindi. Pero hindi mo maappreciate ang ginagawa sayo ng tao hanggang hindi siya tumitigil na gawin 'yun. Hindi naman siya tumigil. Pero umalis kasi siya. At hindi pwedeng pigilan. Lumipat siya ng Marilao. Naaalala ko kasi nung second year ang lahat ng pangyayari sa'min. Friendly si Lea, saka madaling pakisamahan. If ever na tumakbo yan sa Student Government malaki ang pag-asa niya dahil maganda siya makitungo. Pero may time na nagkakaroon ng super verdict. Dumating sa buhay namin si Mikee Trixia Agustin. Ang Miss Intrams ng MARIAN. Gusto siyang makaclose ni Lea dahil mukhang mabait naman si Mikee. Nabuo ang MIKOLE. (mikee+aiko+lea). Nasa huli talaga si Lea. Nung time na 'yun hindi siya makalapit sa'min kasi busy siya with Mikole. Hindi ko makalimutan 'yung isang araw nung second year. Umuwi akong mag-isa. Si Angelica Sena 'yun! Bumanat ng matindi "Eh tignan mu si Minerva mag-isa umuwi." Nakayuko pa akong maglakad nun. Pero nung marinig ko yun inangat ko ng bahagya 'yung ulo ko. Sabay tingin sa kabilang side ng kalsada. Nandun ang Mikole. Si Aiko at Mikee sa harap, si Lea sa likod. Napayuko na lang ulit ako. At naglakad ng mabilis. At umuwi aagad. Alam ko maling maghusga pero sa tingin ko hindi na masaya si Lea sa Mikole. Dumating pa 'yung time na pinapili siya ni Kuya. Pero hindi pa niya kaya. Sa isip ko, "babalik din si Lea, kailangan nandito lang ako para sa kanya." Ganun ang nangyari. Bumalik si Lea. At nandoon pa rin ako para sa kaniya. WALANG IWANAN. Lagi naming sinasabi 'yan. Nung nagbalik si Lea, lagi kaming nagkikita 'pag Sunday, naglalakad mula sa bahay nila sa Tangos papunta sa bayan para maginternet. Para makapagdaldalan ng todo habang nilalakad ang sobrang habang daan. Pero kailangan niyang umalis. Hindi pwedeng pigilan. Kaya ayokong marinig 'yung walang iwanan. May time na sinabi sa'kin 'yun ni Aiko, at sumama naman siya kay Rosebelle. Sinabi din ni Princess at sumama sa Mayon. Kaya nagdecide na lang akong maging mag-isa. Kaya ayoko ng may kasama. Si Iyan lagi kong kausap, kasi alien din siya, pero hindi siya laging nandyan. Nung mag-isa na ako, lumalapit na sakin sila Aiko. "Em, I miss you." Ahhm, miss din kita. Marami akong namimiss, pero si Lea ang kailangan ko ngayon. Ngayon, super busy, nagonline si Lea pero hindi ako makarespond, dahil hindi ako makapaginternet. Nakahide din ang featured friend ko sa fs. Naku, nagkagulo na. Lealyn Licon Tiñoso, hindi kita kakalimutan o papalitan o kahit ano pa mang iniisip mong negatibo. IKAW LANG BESTFRIEND KO. FOREVER. |
|
|
6:21 PM
Monday, February 23, 2009 Performance Day (BUKAS)
Super haggard ako. Hahahaha. As in super. Dahil super sabay sabay ang gawain. Kung hindi kayo nagbabasa ng blog ko, magbasa kayo, haha. Kung nagbabasa kayo, malalaman niyong may stage play ako. Mahirap 'yun. Hindi kasi ako available 'pag weekdays. Minsan hindi ako pinapayagang magpractice 'pag weekends. Malas. Ito lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako pwede 'pag weekdays. C.O.L.T. Gusto ko talagang maging officer. Pero mukhang imposible. One week na kasi akong hindi nagtetraining dahil sa iba pang ginagawa ko. Nakakahiya nga kasi WAS Commander pa ang aspire ko. Tapos 1/5 ng training wala ako. Kaya siguro sa bigayan ng ranggo hindi ako aasa na nasa WAS staff ako. Performance sa SM Naman. Artista na daw ba ako? Hahahaha. Pero dahil lang kasali ako sa streetdance kaya nasabak ako dyan. Mahirap din. Kasi biglaan. Mga two days before ng sayaw saka sa'min sinabi. Na March 24 daw. Malaman na lang namin na sa February 24 na! Naku naman. Unang piece na sinayaw namin ay 'yung sa streetdance namin na isinasabay sa tugtog na Pinoy Ako ng Orange and Lemons na alumni ng school namin. Pero hindi namin makaya ng hindi naglalakad. Palpak. Plan B. Naglabas ng cd ng remix si Joy. Pero sila lang ni Jaja ang may alam. Medyo nakuha namin ng bahagya. Pero super discrimination sa mga lalaki kasi puro kembot 'yung sayaw. Plan C. Tribal style. Remix naman ni Kenrick. Sila lang ulit ni Jaja ang may alam. Merong part na favorite namin ni Chacha. Kasi pang ati atihan 'yung tugtog pero streetdance 'yung step. Meron namang step na favorite ni Jayson kasi 'yun lang ang naituro sa amin. Haha. Mahirap. Lunukin ang pride. Pinatext na sa'kin si Kuya Josh. Buti na lang close kami kaya medyo natulungan niya kami. Ayun. Umayos ang buhay namin. Pero hindi siya binayaran! Anu ba naman 'yan! Kaya kawang gawa para sa mga may pinagsamahan. Pero may nangyari sa mga dancers at kay Kuya Josh. Pilay ang D.I.. Kaya badtrip siya. Nasabihan niyang tanga at bobo si Kuya Jrel. Nagwalkout at nagquit si Kuya Jrel. Sana magkasundo sila dahil magkakared mark ang card ni Kuya. Naku naman. From 97 to red mark. Wag ganun. Guess what nag SM sila. Hay, gusto ko din sumama pero hindi pwede dahil ayokong bumagsak ng todo ang rank ko. Satisfied na ko na top 14 ako sa top 66 ng klase. Na line of nine ang average ko. Na..na..wala na. Bawal din ako magsm. Di'ba master? Hahaha. Doxology Banal na. Haha. Hindi bagay! Pero super graceful ng sayaw na ito at super feel na feel dapat ang emotion at chemistry nyo ng partner nyo. Too bad kasabay ito ng Performance sa SM at wala pa kami sa kalahati. Naku naman. Ano ang kinabukasan namin? Hahahaha. Stage play Next week na ito! Nuod kayo. Joint force kami ni Iyan. Tapos na ang recording at dance rehearsal. Nag run through na rin ng script. May kalalabasan ang play na ito. Pero illegal. Hahaha. Actually legend dapat. Eh ano? The Legend of High School Musical! The Legend of the Golden Voice dahil si Leonard ang Troy! Tama! Noli Ang Noli Me Tangere ko wala pang progression. Nandun pa din ako. Matapos kaya ako? Kinakabahan ako. Naman. March 1 nasa U.P. Diliman kami. Weeeeh. Bongga. Hahaha. Part two ng timpaLAKAN. Sabotage sa practice namin. Pero tuloy pa din! Once in a lifetime chance! Go! Hahahaha. Sana forever nang maging active ang blog ko. Nageenjoy ako eeh. Haha..xD |
|
|
10:04 PM
Sunday, February 22, 2009 Recording na!
Location: Bahay namin. Sa rooftop. Naks maganda ang ambience kasi may puno. Saka gusto nila ang effect ng hangin sa kanilang mga hair. Text mode, lagpas na daw sila kela Rosebelle, nagabang ako sa labas. Sumilip pa si Iyan sa jeep, hindi ako nakita. Sumigaw pa ako. Hahahaha. Wala na naman ang mag-ama, vip ever. Tatlo tuloy ang ginamitan ng boses ni Iyan. Maayos naman. Pero may scene na magkasunod ang lines nya. Lunch break. Sinigang na baboy. Nakatatlong balik si *toot* at no comment naman kung ilang balik si Cedrick. Nahulog ang serving spoon sa loob ng lalagyan ng ulam pero wapakels si Iyan. Walang imposible sa taong gutom. Pagbalik ni Iyan sa pwesto, may lumabas daw na hangin sa shorts niya. Pero hangin lang daw yun. At pinagtanggol sya ni Cedrick, "mahangin naman dito eh, wala na yun." After nun pahinga kami. Bike mode. Nagbike kami ni Iyan gamit ang Japanese bike na violet. Nakaangkas ako. Masarap ang feeling. Pero pagewang gewang kami. Pagdating namin sa pataas na part, naflat ang gulong. Pero bike pa din. Wala talagang patawad. Sa pababang part todo hangin effect, bagsak ng dahon sabay kantang "Dinggin mo, ang tibok ng puso.." haha. Package na eh. Pero pagdating sa main road naglakad na kami. Pagbalik namin back to business na. May sumpa. Haha. Merong members na kelangang magpaulit ulit sa isang line. Pagkatapos nya, nasa kasunod naman ang sumpa. Nasa kalagitnaan kami ng dumating ang group ni Denise. Kasama si Rosebelle. At alam ko, kung nasan si Rosebelle, nandun si Aldrin. Ayon tama ako. Syempre badtrip mode. Pero natapos kami. Nagulat ako kay Jrel. Tinanong si Iyan. "Iyan gusto mo ba ng bayabas? Ihaharvest kita." Naks harvest. Pero binigyan na sya ni Mayla ng isang plastik na bayabas. Hahaha. Sana nagenjoy sya dun. In speaking of the pasalubong binigyan niya ako ng salamin..na walang grado. Bukas practice ulit. Nakaapat na post ako dahil sa kahihintay na matapos ang scan ng email. Pero iuusb na lang, matulog na. Take note. May nabuong batas kahapon. BAWAL MAGLOLIPAP. |
|
|
9:55 PM
The Chichow Date
After ng practice namin kela Avriel, naglakad kami ni Iyan mula Subic hanggang Gil Carlos para sa headset ko. Ang init in fairness, nasunburn ang lolo mo. Pagdating namin kela Cassandra, nagtawag na si Iyan.Cassandra!! Nang may marinig akong matinis na boses. Totoy! Totoy! Natawa naman ako! LOL! Dinig sa kalsada ang recording ng lola niyo. Pumasok kami. Naman. Pahinga. Gitara. Uminom ng tubig si Iyan. At sampung beses nanghingi ng tubig si Claudine sa kanya pero ayaw sumunod. Pero kumuha din sya ng tubig, pero sakin binigay. Hahahaha. Pagkatapos ng recording, balik na kami sa bayan. Nagtricycle na kami dahil ayaw na niyang mainitan. National Bookstore. Masaya ang usapan. Nang biglang... PAKINGSHET may naglalaplapan. Sorry Iyan, alam kong conservative ka, pero ikaw ang nakakita. Haha. Walkout na. 7Eleven. Masikip. Walang upuan, wala ding tayuan. Walkout. "Magbuko na lang tayo ng matahimik ang buhay natin"-Iyan "Eh di magchichow na lang tayo" - Minene "Walang inumin yon"- Iyan "May buko sa Calamares diba?" - Minene "Tama!" - Iyan Di'ba?? Hahaha. Malungkot ngang isipin na buko ang binibili namin sa Calamares na yon. Chichow. Napansin lang na tanaw pala ang National sa Chichow. Pati yung logo napagdiskitahan namin. Haha. Nakasabay ko umuwi si Robocap, kapatid nung classmate ko nung elem. Anu ginawa nyo? Practice. Kami din. Eh bat kayo nasa Pandayan? Chichow date. Nice. Hahaha. |
|
|
9:26 PM
School Production Minene and Iyan Style
Yes it's the time of the year! Stage play na naman. At sa pagkakataong ito ay magkagroup kami ni Iyan. First Week Sabotage Nawala ko ang script. Super nagalit si Iyan! Hahaha. Paulit ulit ang word na k*ki. Pero okey lang. Sapagkat sanay na ang madla sa word na iyon. Pero hindi dapat itake for granted ang pagkawala ng script. Nagpost kami ng posters na ganito: "NAWAWALA Nung umaga wala pang nangyayari. Pinagtanong ng todo sa mga dancers at mga trainees ng C.O.L.T. Walang progression.SCRIPT NG HIGH SCHOOL MUSICAL III-duhat" Nung tanghali napagkasunduan na namin na gagawa ako ng bagong script. Yes naman hustle! Pero sa tulong ng idol ko, nalaman na nasa Mayon ang script. Todo edit nung gabi. Saturday Location: Bahay ni Avriel, at bahay ng pinsan ni Avriel (na type ni Aljonh dahil napa OH MY GOSH sya paglabas ni pinsan sa bahay) May script na. May DVD, at may lolipap na akong milkita kay Iyan (hindi na kami LQ LOL!). May nagdaan na ding taho na may promong Buy 5 Take 1 pero walang kumagat. Pero may kulang. Si Troy! Kasama ng tatay nya, naglalaro ng Grand Chase. Sinundo namin sa hangout ng Dota Boys, ang PC Leap. Naglakad kami. On the way, may nadaanan kaming lugar na pamilyar si Iyan. Doon daw sya naholdap. Nako. Nostalgia. Pero ang masama pa nun, pagdating namin ng PC Leap, wala na sila Algin. Nasalisihan kami. Sinasabi na weh. Pagdating namin sinalubong pa kami ng matinding, "bakit ngayon lang kayo??!?". Sarap lang bangasin. Start na ng practice. Ganadong kumanta si Leonard. At si Avriel ay isang malaking wala lang. Ilang pa siguro sa isa't isa. Lunch break. May pancit. Dumating si Aldrin at Sonny Angelo. Na nakikakain at ayon sa aming reliable source ay walang naitulong sa group nila. Take note, nakaapat na plato daw ng pancit si Sonny at may pahabol pang isang mangkok. Si Aldrin naman ay isang malaking distraction dahil hiram ng hiram ng telepono kay Iyan. Matapos kumain ay umalis na si Sonny, pero si Aldrin nandun pa din. Umalis na naman ang mag-amang Algin at Leonard para umihi daw sa PC Leap. Syempre nagtanong ako, "ilang oras kayong iihi sa PC Leap?". Sumagot pa si loko, "isang oras lang." Tama. Pero dalawang oras silang wala. At napraktis na namin ni Iyan ang dalawang kanta namin. Mahirap sumayaw ala Sharpay and Ryan, todo production. Pero kinaya namin for the sake of our musical. Dumating sila. Familiarization ng script. Choreography ng Breaking Free at We're All in this Together. At uwian na. May part two pa..xD |
|
|
6:53 PM
inggitera ako..xD
Grabe nainggit naman ako meron silang tagalog na post. Ako din! This post is about me. If you're not interested..PUNKS KA!..xD You don't have to see me. Just ask for descriptions.
KALADKARIN LOL!!..xD, sakit sa tenga, pero totoo. Actually kung kanino kasi ako comfortable dun ako sasama. Sabi nga ni IYAN, "ang weird nating dalawa. sa classroom may mga groups. group ng boys at group ng girls. pero sa isang sulok nandun tayo nakabukod na grupo." -take note- Kaladkarin din po si IYAN!! Sa kanya lang ako nahawa. LOL Ibig sabihin lang niyan comfortable kami sa isa't isa. Kung magkakaroon nga ng time na pilian portion (na naman!), pwedeng mas piliin ko pa si Iyan because he helps me make the right decisions and help me realize all the things that I have to change. (naks inspiring!) Syempre bait si Iyan eh. Binigyan niya nga ako ng Milkita. Haha. At nagbike kami ng mala Koreanovela sabay kanta ng theme song ng Endless Love. Haha, tapos pinatugtog naman 'yung theme song ng Jang Geum na topic namin habang nagbabike. *** Naflat nga pala yung gulong namin. Busog kami sa sinigang eh, may lumabas pa nga daw na hangin sa shorts niya nung umupo kami. Hahahaha..peace out! *** GUDGERL Gudgerl nga daw ako sabi ni Keith. Pero ang term na gudgerl ay hindi nilikha para sakin. Makulit ako at pasaway. Inquirer. Sabihin mo ng isang beses, kelangan mo pang ulitin ng tatlong beses. Akala siguro nila bingi ako. Haha, pede din. Nasobrahan sa rakrakan. Pero makulit lang talaga ako. Sa sobrang kulit ko nga nagset pa ng batas si Keith. Example? Eto oh. 1. Bawal makipag-usap kay Majo, bawal ang anumang connection sa kanya. 2. Bawal lumabas kapag lagpas na ng 6:00 pm. Kung kelangan talaga magpaalam. 3. Bawal magskip ng breakfast, lunch, dinner, snacks or whatsoever na may kinalaman sa pagkain. In other words bawal magutom. 4. Bawal magrally ng walang permit. 5. Bawal maligo sa gabi! 6. Bawal pumasok ng walang bimpo, panyo, at extrang damit. 7. Bawal lumapit, makipagtext, makipagchat, makipagusap sa others... (understood na iyon) Tumino naman ako ng bahagya. Bahagya lang. Hahaha BACK OFF HE'S MINE! Bwahahaha, wala lang mailagay, pero seriously, ayoko talagang lahat ng possessions ko inaagaw pa ng iba. Pumapatay ako ng tao. Possesive ako. 'yun lang. Medyo malas naman ng timing. Busy pala ako ngayon. Hahaha. |
|